Posted by: blu.sparks | February 4, 2010

eto na.

bagong taon nga pero eto isang di kagandahang entry naman ang unang post ko sa buwan ng pebrero. nawala ako at napabayaan ko tong bahay ko the whole month ng january dahil na rin sa sobrang busy sa trabaho. ni pag open na lang ng facebook account ko eh di ko magawa at ang pag puksa sa mga zombies gamit ang deadly plants eh di rin matuloy-tuloy dahil sa trabaho. sobrang dami ng trabaho..huhuhu.
eh sino ba naman ako para magreklamo sa boss ko? ito ang ikinabubuhay ko eh kaya i’ll just make the most out of it na lang. sana lang matapos ko ang lahat ng dapat tapusin o kaya mag hire na ng bagong employee para naman may tutulong sakin bago sumapit ang april — ang busiest month of them all..hay!

sto. nino.

ganun pa man, nakahanap pa din naman ako ng time para mag relax at bumisita sa mga kaibigan at mag celebrate ng sinulog ng cebu at dinagyang ng iloilo in honor of the Child Jesus. magulo at masaya. kahit dalawang magkasunod na weekends lang yun, punong puno naman yun ng kasiyahan. sana maraming blessings pa rin next year para maka enjoy ulit..hehehe..sorry walang pictures, walang camera eh.

salamat.

isang napakalaking pasasalamat ang ipinaabot ko kay mr. nonsense dahil sa pagtambay at pagsagot niya sa mga comments ko dito. na aliw naman ako sa mga reply niya..hahaha.
salamat din sa mga friends ko dito na patuloy na bumabalik sa bahay ko kahit wala pang update..sana di magsawa..toink!

byahe.

punta kami ng manila bukas. wala lang. just taking advantage of the promo of PAL. sa totoo lang kailangan ko to. kahit malayo man lang sa trabaho ng isang weekend lang. ok na ako pagbalik ko.
🙂

Advertisements

Responses

  1. uy, sige lang! enjoy mo lang at happy trip! pasyalan mo lahat dito sa Manila, sa Makati, sa Manda at Ortigas.. Punta ka ng Tagaytay, ng Kyusi, ng Pasig.. Hehe!

    enjoy the weekend!

  2. sa ortigas kami mag stay..at pupunta kami ng enchanted kingdom, may bata kasi kasama at lahat kami feeling bata..hehe

    mag eenjoy talaga ako.

    • haha, ayos yan! enchanted kingdom! pasok kayo ng rialmo. something realmo/rialmo. sakay ka ng space shuttle, jungle log jam, anchor’s away, at nakalimutan ko na yung mga names ng rides.

      • nasakyan ko na lahat 5 years ago..ngayon ayoko ko nang ulitin ang space shuttle at anchors away..pang 1 time experience lang yun..hahaha

  3. wow talagang si sir nonsense ang tagapamahala

    walang duda ayos yun!!!! ahahah

    dami pong busy ano kuya blu.. ako nga rin po ngayon lang din nakabalik mula sa pagkabusy……

    nakopo……….

    • honga..di maiwan-iwan ang trabaho kasi..

  4. naku mukhang talagang busy ah.. patuloy lang.. ganyan talaga para mabuhay.. basta take time din na i treat mo sarili mo sometimes.

    • honga..minsan treat mo din ako..joke! hehehe
      musta naman jan?

  5. youre here in manila?

    • nung weekend lang po.
      bumalik din ng iloilo nung sunday.
      may work na kasi the following day eh..hehe

  6. hello nangangamusta lang.. wow welcome sa manila, anu bang bago d2? wala lang mausok pa din.. hehe..

    • oo nga..at ma traffic.
      wala lang..nakipag siksikan lang naman kami ng sa mga tao jan sa manila.
      paro enjoy pa din..

  7. wow! enjoy manila.medyo mainit nga lang daw dun ngayon pero madami kang pwedeng puntahan.
    siguradong mag eenjoy ang mga batang kasama mo sa EK. try mo din sila ipasyal sa Ocean park at luneta;)

  8. yep nag enjoy talaga kami..di na kmi nka punta ng ocean park at luneta kasi may mga other priorities na dapat puntahan..hehe

    salamat sa pagbisita..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: