Posted by: blu.sparks | October 8, 2009

pagkatapos ng bagyo.

medyo matagal tagal din ako nanahimik dito sa bahay ko. yan ay dahil di ako makapagbuo ng bagong post. Marahil ay parang dinaanan din ni Ondoy ang aking maliit na utak kaya na wash out lahat ang mga ideyang namumuo doon. ngayon ay kaisa din ako sa mga nasalanta ni Ondoy na pilit bumabangon sa masamang karanasang dinulot nito. (at isama mo na rin jan ang pagkakarir kong maging isang ganap na farmer sa Farmville, nauubos oras ko dito..pramis!). of course figuratively speaking lang yan, kasi di naman kmi binaha dito sa Visayas. ang hirap din naman, kasi may mga kakilala din akong binhaha jan sa Luzon kaya tumulong din ako sa abot ng makakaya ko. Kahit na maliit lang, alam kong may mararating din naman yun.

ondoy1

lahat tayo ay may pagsubok na dinadaan. kaya di tayo dapat mawalan ng pag-asa. ang masamang pangyayaring ito ay gawin nating instrumento para makabangon at makapagsimula muli. ganyan naman talaga tayong mga pinoy eh. nakatawa pa rin kahit nasa pinakamadilim na yugto na tayo ng ating buhay. ika nga, habang buhay may pag-asa.

ganito talaga ako mag-isip. palaging positibo. nakangiti pa rin kahit may problema. sabi ko nga sa aking description sa sarili ko eh, positive thinker ako. pag ganun kasi eh parang nararamdaman kong hindi mabigat ang buhay ko. lahat ng problema ay may solusyon, yan lagi ang nilalagay ko sa utak ko. di naman masama yun eh. nakakagaan pa ng pakiramdam.

araw-araw pagkagising ko sa umaga ay di ko nakaligtaan na magpasalalamat at magbigay pugay sa ating Maykapal. tapos kinokondisyon ko na ang aking isip at sarili na magiging maayos at madali ang lahat. pag may konting aberya man mangyayari ay di naman ito makapagbabago ng aking pananaw sa araw na yun.

pero di naman lahat ng araw ay maayos ang lahat. depende na lang ito sa pagdadala natin. isipin na lang natin na sa susunod pang mga araw ay pwedeng pwede tayo maging masaya.

kaya para sa lahat ng nasalanta ni Ondoy, huwag po tayong mawalan ng pag-asa para makapagbagong buhay at tumayo sa ating pagkalugmok sa trahedyang ito. mahirap man pero pag may determinasyon ay may pananalig ay magiging madali ang lahat.

sunrise1

pinoy tayo, kayang kaya natin to. 🙂

Advertisements

Responses

  1. base!!!!

  2. nakangiti pa rin kahit may problema

    — this is one of filipino traits na di nawawala talaga sa akin, sa amin ng family ko. kahit baha nagtatawanan lang.

    kaya yan! may bukas pa at agree ako sa laht ng sinabi mo. kelangan lang ng faith pa at sariling gawa!

    • dapat ganyan tayo. walang problemang mabigat kung nakagiti lagi. gagaan pa ang life. hehe

  3. tama! may bukas pa, ikaw nga. filipinos are very resilient. tinatawanan lang ang mga tragedies sa buhay. matatag tayong mga pinoy. life goes on for us…

    si dencios binaha din sila, pero tingnan mo naman, after the flood, nadagdagan pa ang family members nila kasi naka-rescue ang tatay niya ng isang malaking pig…

    • wow swerte naman pala sila at may pig pa..hehe

      santinong-santino ang dating mo father ah..may bukas pa nga..matatag talaga mga pinoy.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: