Posted by: blu.sparks | September 18, 2009

oath taking.

nung isang linggo ay may isang maliking sorporesa na tumambad sakin. kakagising ko pa lamang ay may isang mensahe sa cellphone na aking natanggap galing sa isang malapit na kaibigan na kakapasa pa lamang sa medical board exams. ang sabi ay: ‘please come with me to manila for the weekend for my oath taking at picc, all expense paid. my family can’t go. please do come. thanks’.

tatlong beses ko yata binasa ang text at nandun talaga ang words na ‘all expense paid’, di pala ako nananaginip. totoo to! kaya napa reply ako bigla na ‘ganyan pala pag doctor na, english na ang text?’ este ‘oo naman, you can always count on me, especially all expense paid pa. weeh!’

isang problem lang eh, wala akong masuot sa mismong event kasi nga formal at lahat ng formal kong damit ay nasa bahay namin. nasa isla ako, kaya wala ng time umuwi. nag decide na lang ako na bumili na lang dun sa manila since sunday afternoon pa naman ang oath taking at saturday morning ay nandun na kami.

i was booked by my friend sa PAL para naman sa NAIA talaga ang baba ko..hehehe..then direcho na kami sa hotel. sa UN avenue yata yun, cheap pero maganda ang hotel at safe kasi nasa catholic center kami. nag rest lang kami ng konti at lumabas naman para makipag inuman at laughtrip sa comedy bar with his other friends who are also there for the oath taking.

first time kong mapadpad sa isang comedy bar at di ko alam kung ano i-eexpect ko. alam ko ino-okray ang mga tao dun kaya medyo natakot ako baka malagay ako sa spotlight. di naman pala, kaya di talaga ako nagsisi na sumama kasi nakuha lahat ng stress ko sa katawan. tawa lang ako ng tawa kasi naman si vice ganda at anton diva ba naman ang bumibida. di ko sila masyadong gusto pag sa tv pero kung live pala nakakatawa din, plus pa ang overflowing na inumin, eh di perfect. laugh trip hanggang umaga.

ang mismong oath taking ceremony ay pormal na event sa picc. first time ko rin pumasok dun at di naman na out of place kasi pinaghandaan talaga ang get-up. proud din ako kasi nasa top 3 ang isang medical school dito sa iloilo at nabigyan pa ng award. palakpakan!

the event was capped with a sumptuous dinner together with our friends and we drank the night away till dawn. di talaga mawawala ang inuman sa mga ganitong selebrasyon. Napakasaya naman talaga eh. halos wala na akong tulog kasi maaga pa flight ko nung monday. kaya from the airport eh direcho na ako office. walang tulog kaya wala rin natapos na trabaho..hahaha..pero nag enjoy naman ako ng sobra.

salamat kaibigan 🙂

off topic:

birthday ni dad nung monday..sept 14..happy birthday dad! salamat sa lahat ng sakripisyo mo para mabigyan kami ng magandang buhay. utang namin lahat to sa yo..pero alam ko di mo naman kami sisingilin kaya the best way para makabawi ako sa yo ay magbigay din ng magandang buhay sa future family ko..salamat po. 🙂

Advertisements

Responses

  1. base ba ko? hehe. wow naman congrats sa friend mo! 🙂
    nakow, parang gusto ko rin magpunta sa comedy bar paguwi ko next week ah. hehe. kwela daw kasi si vice ganda at anton diva 😀

    ingatz po. 😉

    • base nga!

      wow uwin kna next week..may grand vacation ka pala.
      yep, masaya talaga sa comedy bar.
      especially si vice ganda.
      hehehe
      cge punta ka rin>
      🙂

  2. whoa…congrats sknia ha…

    prng na inspire akong pumunta sa comedy bar..tska sa iba pang bar…hehehe

    • di ka rin ba nka punta sa comedy bar?
      masaya dun.
      limot mo problema mo kahit sandali lang.
      hehehe

      salamat sa pagbisita sows.
      🙂

  3. 3rd BASE naman aku ditu! hehehe

    Congrats muna kay Friend.. 🙂

    ako madalas aku sa Comedy bar nung nasa pinas pa aku, fevurit naming puntahan yung CLOWNS with my Boss and friends, ang lagi naman namin na tyetyempuhan na guest ay si Gladys Guevarra, and yung ibang comidyante, (forgot their names )hehe.. sobrang mang okray talaga at minsan below the belt na.. kaso nga talo naman pikon.. hahaha peru sobra naman saya, sabi mu nga, tatawa ka talaga ng tatawa, as in! kaka alis ng pagod! hhehe

    Belated din sa Daddy mu.. 🙂

    • salamat ms pinkie.

      sa punchline kami napadpad nung mga times na yun.
      sana makabalik naman ako ng manila soon.
      🙂

  4. haha, sana makabalik ka if may EB ang mga blogger.. 🙂

    • kelan ba yun ms pinkie?
      hehehe

      babalik ako next month.
      malapit na.
      yoohoo!

  5. ay, next month din ung EB, tentative pa kasi ung date eh, so hindi pa ata sure..

    yehey lapit na next month!! 🙂

    • next month ba? wow baka umabot ako..hehehe
      uwi ka rin?

      • uu, next month uuwi ako.. sige sana makaabot ka..

  6. astig naman ng kaibigan mo!! duktorrr! uu sama ka sa EB!

    • oo nga duktor..hehehe
      kelan ba yun eb?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: