Posted by: blu.sparks | August 24, 2009

buhay sa isla.

medyo malayo ngayon ang lugar ng aking pinagtatrabahuhan. simula nung pumasok ako sa ahensyang kinabibilangan ko ngayon ay walang pagdadalawang isip kong tinanggap kung saan ako madedestino. yan naman talaga siguro pagbata ka pa at wala pang pamilya, kahit saan pwede, pwera lang kung saan maraming abu sayyaf. patay tayo jan..ayaw ko dun!

ngayon buwan ay isang taon na pala ako sa isla. yes, sa isla ako na destino at nagtatrabaho. sa isang isla kung saan tanyag ito sa napakagandang sunset at malapulbos na buhangin. more hint pa? alam nyo na siguro kung anong isla ang tinutukoy ko mga parekoy. syempre excited ako nang mga unang buwan ko dito. di ako umuuwi pag weekeds kasi nga mas gusto kong mag enjoy na lang kesa umuwi. pero nakakasawa din pala.

kung may pagkakataon din naman na hindi ako umuuwi, eh dahil na yan sa may kelangang tapusin na trabaho o tinatamad lang talaga magbyahe ng limang oras sa bus. kaya ang ginagawa ko na lang ay ang mga ito..

bora6 bora11 maglakad-lakad sa shopping area ng isla. hindi magshoshopping kundi magtambay at maghintay kung may artistang dumaan o kung sino mang sikat na taong mapadpad dun.

maglakad-lakad sa napakahabang white sand beach hanggang bora10bora1mapagod at umupo sa may dalampasigan at mag site-seeing sa mga bebot na naka two piece bikini habang rumarampa na walang pakialam kung may mga matang sumusnod sa kanila.

bora3

pagtapos nun ay maligo sa napakagandang beach na mala crystal clear ang tubig, at lumangoy kasama ang mga maliliit at isda. pramis hindi sila takot sa mga tao.

bora2

at syempre hihintayin na ang napakagandang sunset kung saan hindi kumpleto ang bakasyon ng mga turista pag wala silang picture nito. at naki picture na rin ako kahit hindi ako turista.

bora8at di syempre mawawala ang pagpasyal sa paboritong coffee shop para magkape at magrelax, overlooking the beach of course. paminsan-minsan lang to ha. baka isipin niyong mayaman ako. nakow po!

minsan ko na lamang nagagawa ang mga ito dahil na rin siguro sa dami ng trabaho at sa kagustuhang umuwi na lamang at makita at makasama ang lab op my lyp..hehehe..yun na! 🙂

Advertisements

Responses

  1. flower vase!

  2. azteeg sna ako rin makapunta jan…sama moko minsan! ^,^

    favor naman…pa spam sa bahay ko…

    tsalamat…

    http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com/articles/maniwala-ka-lang

    • oo ba..hehe
      cge wait.
      bibisita ako sa bahay mo.
      🙂

  3. go go go! spam! ang more spamssess…

    nyahhaha! better late than never! ^,^

  4. sarap naman ma assign sa isla! aba eh ako man yan baka tanggapin ko hahah! pero nakakaitim yata ang mamalagi dyan!? awww! hehe

    • di naman..nasa office ka naman eh kaya di ka rin sinisikatan ng araw..hehehe

      maputi naman ako sa avatar ko ah?
      hehehe

  5. Someday I can step my foot on those sand..someday,somehow.ha ha ha…

    • ang tagal kasi eh.
      dapat by december makapunta kna dito.
      go go go tito!

  6. i love boracay! hahaha. sarap ng work. taragis. sarap tumambay sa beach while having this new frapp, try mo pards, Caramel Dark Roast Coffee Jelly Frappuccino, HEAVEN. haha. add kita sa link. thanks.

    • hmmm..mukhang masarap nga yan ah.
      matikman nga.
      hehehe

      salamat sa pagbisita parekoy.
      add din kita.
      ayos.

  7. nasa isla ka pala! pero di ba malapit ka ng magbakasyon? sa katapusan ba? tama ba ang pinagsasabi ko?

    huwaw, ang ganda namang isla niyan kung ganon. ako, eto! wala pa ring bagong post!

    • yep nasa isla talaga at bukas na ang bakasyon ko.
      hehehe

      ayos lang yan.
      aabangan ko lang ang bagong post mo.
      hehehe

  8. Wow! Relaxing ang trippings! Well sana makapgbeach din ako after my deadlines sa work!

    Paadd sa link bro! Salamat!

    • salamat sa pagbisita.
      cge add kita.

      oo nga. tapusin na ang deadlines at mag beach,
      para makapagrelax naman.
      hehehe

  9. aba! nahuli ako ah?! nakatulog ata aku eh, haha

    usu ba nagyon ang paglaboy sa ibat ibang lugar?!? hmm…

    • ayan di ka cguro nkapag set ng alarm.
      hehehe

      di naman ako nagbabakasyon pink.
      jan talaga ako nka base.
      ewan ko ba, tinapon ako jan eh.
      pero ok naman.

  10. la isla bonita ba? mapasyalan nga…

    • saan ba yan? ahehehe
      cge punta ka dito..

  11. wow bora bora din….

    hehehehe

    nice naman

    lalo akong nananabik na maka lapag dito sa bora

    Nice pics ah!!!!!!!!!

    • mag file na ng leave at pumunta dito.
      cge go lang ng go!
      hehehe

      • ganun. di pa kasi ako regular kaya di pa pede mag leave’

        sayang naman..
        heheh

      • hehehe.
        cmpre dapat kasama ko jan di ba
        kapatid!?
        hehhee.
        naks.
        kapag na endo na ko sa trabaho ko
        ngaun.
        heheh.
        panigurado pupunta tlga ko jan.
        hehehe
        anjan ka pa rin ba sa decemebr?

  12. awww.. sunset:)

    minsan kahit san mapapad basta may sunset..ayos na yun

    kahit sa manila bay lang..hahahah

    mahilig ka talaga sa kopi no..heheh

    • hehehe..
      di naman masyado.

      nakakareleax nga ang sunset.
      kahit sandali lang malilimutan mong may mga problema ka.
      serious daw oh.
      hehehe

  13. @jason:
    ganun ba?
    ipon muna para maka enjoy ng husto.
    hehehe

  14. @mb
    dito lang ako mb. pero baka bakasyon naman ang punta mo dito?
    curado uwi ako nyan.
    hehehe.

    paramdam ka muna bago ka pumunta.
    hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: