Posted by: blu.sparks | August 14, 2009

bangkang papel.

paperboat1Minsan dumaan sa buhay natin ang pagiging bata. Bata na walang alam gawin kundi ang walang humpay na paglalaro na kahit umulan man o umaraw ay walang sawa tayong nakikipaghabulan, tawanan at kwentuhan. Yun ang mga panahon na wala tayong pakialam sa mga problema ng lipunan, ng mga tahanan natin at mga magulang natin na kumakayod ng husto para mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Ang alam lang natin ay maglaro hanggang mapagod dahil bukas may jollibee na naman ibang araw na naman ng pakikipagsapalaran.

Kakamis ang mga panahong iyon.

Naalala ko lang na minsan sa mga pagkakataong iyon ay nakahiligan kong paperboat3maglaro ng bangkang papel. Na habang dumadaloy ito sa agos ng tubig at unti-unti nababasa, sinusundan ko pa rin ng aking paningin. At sa isang hampas ng malaking alon, bigla na lang lulubog ito.

Ngunit gagawa at gagawa pa rin ako ng bangkang papel kahit alam ko naman na ganun pa rin ang kahihinatnan.

Ngayon na medyo malaki na ako at nagkaisip na, ngunit may pagkaisip bata pa rin kung minsan, ngayon ko lang din napagtanto na may kahalagahan din pala ang bangkang papel sa buhay ko.

paperboat4Na minsan sinakay ko dun ang mga munting pangarap ko. Ngunit dahil sa mga alon na dumarating sa buhay ko, lumulubog ang bangka kasama ang mga pangarap ko. Pero dahil pursigido akong magtagumpay, gagawa at gagawa pa rin ako ng bangkang papel at babaunan ng panalangin na malayo ang mararating nito. Malayo ang mararating ng mga pangarap ko.

paperboat2

Ang bangkang papel na ito ay simbolo ng buhay ko. Bakit naman papel? Baโ€™t di na lang plastic? Dahil hindi forever tayo palutang lutang sa dagat ng pakikipagsapalaran. Hindi forever ang buhay. Lahat ay may katapusan. Lulubog at lulubog din tayo pag dumating na ang ating time. Depende lang yan sa paglalaro natin sa agos ng buhay at kung paano tayo makipagsapalaran sa malawak na karagatan. At sana lang, pagdating ng panahong iyon, masasabi ko sa sarili ko na naging masaya ako at masasabi kong “Iโ€™ve lived a full life”. (Panu ba i-translate sa tagalog yan?) lolz!

Syempre hindi pa soon. Haller?! Ang bata ko pa kaya! Wapak!

Advertisements

Responses

  1. ayos! nice post mula sa simpleng bangkang papel eh nakapagpahayag ng mga magagandang bagay tungkol sa buhay! totoo naman eh lahat ng ito ay pansamantala lamang.. at yun nga nasa sa atin kung pano natin gugulin ang oras at panahon.. lets enjoy life. be happy and live the most out of it!

    ayuuuoon un nadala tuloy ako haha taragis!

    ** naalala ko din nung bata ako gagawa ako bangkang papel tapos sasakyan ko ng mga langgam haha hanggang sa lumubog na ung banka ayun kasama ung mga langgam,, pero hindi naman dun natatapos ang karo ko syempre may rescuer na dadating! another bangka or kaya naman minsan eh ung tingting ng walis! ^^ to the rescuuuuuuue!

    • ahaha.

      pati langgam pinagtripan mo ah.
      ayos ka rin.

      depende lahat yan sa pananaw natin sa buhay.
      life is wat we make it.

      tara laro tau ulit ng bangkang papel.
      hehehe

    • ang simle naman
      hehehehehe ^_^

      naala ko yong bata pa ako gumawa ako ng paple na jetplane
      ???>>>>???>>>???><<>:P

      ng inyong ginawa na papel na bangka

  2. ako i compare myself sa isang hair clip…wala lang talaga akong maisip kaya yan nalang.wala namang karelarelasyon sa akin.ha ha ha ha.

    anyway, gandhi is dis chu? kasagad magsulat ah…mapirde mo na ko…ha ha ha.

    • indi..mother teresa ni..whaha!

      pirde? anu ni contest?
      ahaha.

  3. miss you tito..see you next next week!!paaarty!

    • yes yes tito!

      2 weeks n lang. il b der in cebu na naman.
      paaartee til morning agen.
      wootwooh!

  4. napadaan lang po ๐Ÿ™‚
    nice post! ๐Ÿ˜€

    • oi salamat sa pagdaan.
      balik ka ulit ha?
      hehe

  5. gumawa din ako bangkang papel dati, pero hindi ko nilalagay sa tubig.. madalas tinatago ko.. hahah! di ko lam kung bakit, feeling ko kasi master piece ko yun kaya itatago ko na lang:p

    • eh ano na nangyari sa mga yun?
      ginawa bang colection?
      hehehe
      ๐Ÿ™‚

  6. this reminds me, hindi na ko marunong gumawa ng bangkang papel!wahhhh. pano na nga ba ulit?

    marunong pa ko gumawa ng eroplano pero bangkang papel hindi na. naalala ko may kanta pa sa batibot dati tungkol sa bangkang papel.

    namiss ko tuloy nung kabataan ko pa (tanda ko na!!!waahhh ulit). laro sa umaga, hapon hanggang gabi. taguan, football,patintero,shake shake shampoo, langit lupa at kung anu-ano pa.

    • dami mong sport ah.
      sport daw oh? hehehe

      marunong kpa nyan.
      isipin mo..dali!
      lolz

  7. tama yan… pedeng isakay ang mga pangarap sa papel..

    naalala ko nga…

    “Sila jason, Jomar at Erwin. Sila ang mgq batang Payatas, na nagpaanod ng bangkang papel papuntang Malacaรฑang”

    hehehe

    pero yung bangka ko hinding hindi lulubog
    basta..

    basta lang

    ๐Ÿ˜€

  8. anong nangyari sa bangka nila?
    hehehe

    anong secret mo bat hindi lulubog?
    ano? ano? ano?
    ๐Ÿ™‚

  9. full life — buhay na ganap…

  10. di ko na maalala kailan ako huling naglaro ng bangkang papel…masubukan nga…

    • ganun ba father?
      cge laro na.
      hehe
      ๐Ÿ™‚

  11. pag matibay angbanagka hindi yan lulubog kasi ang makakapagpalubog lang diyan ay alon. sa buhay kapag hindi ko handa tatangayin ka lang pero kung kaya mong sumabay maski isang patak ng tubig hindi ka malalagyan – malagyan ka man hindi ka mapupuno ๐Ÿ™‚

    • ang lalim nun parekoy.
      pero may tama ka na naman.
      depende lang yan kung pano natin laruin at gampanan ng maigi ang role natin sa napaka unfair na buhay.
      ayos.
      ๐Ÿ™‚

  12. sno marunong mag spacial force

    ^_^

    ?><M


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: