Posted by: blu.sparks | August 7, 2009

pasasalamat.

hindi malaki ang pamilya namin. sa katunayan, tatlo lng kami magkakapatid plus si mom at dad, so lima lang kami sa pamilya.

ako ang panganay. at dahil dito, parang ako na rin ang responsable sa aking dalawang kapatid. lalaki rin ang panglawa at babae ang pinakabunso. sila lagi ang nag away-bati kaya ako palagi ang mediator sa kanilang dalawa. walang kampihan talaga.

actually, ang post na ito ay para sa bunso namin. bakit? dahil araw niya ito ngayon. siya ang bida.

siya na yata ang pinaka-financially stable sa aming tatlo. nakaka-inggit man pero totoo yan. dala na rin siguro ng swerte kaya no sweat sa kanya makahanap ng magandang trabaho. parang ang dali lang sa kanya makatanggap ng blessings.

salamat sa masasarap na desserts na parati mong ginagawa. kahit walang occassion basta trip mong magluto, mabubusog talaga ang lahat.

salamat sa lahat ng tulong. kahit may pagka maldita ka minsan, di ka naman nagdadalawang isip na tumulong kapag may nangailangan. at gagawin din namin sayo yan. count on that.

salamat sa pag oorganize sa lahat ng trips natin. mula sa pagbili ng tikets hanggang sa itinerary ay ikaw ang gumagawa. maaasahan ka talaga sa mga ganitong bagay. wala na kaming gagawin kundi mag enjoy at gumastos. hehehe

salamat sa parating pagpapahiram sa akin ng kotse mo..weeh! at buti na lang may kotse din bf mo kaya malaya kong nagagamit kotse mo. hehehe

salamat sa napakakulit mong paggising sakin tuwing umaga. namimis ko na yun kasi di na ako masyadong umuuwi ng bahay. haaay!

salamat sa pagiging adik mo kung minsan. nabubuhay ang matatamlay na gabi pag ikaw na ang bumibida. kahit korny na minsan tumatawa pa rin kami. kakamis din ang mga days nights na yun. double haaay!

salamat sa pag-share mo sa amin ng blessings mo. alam ko swerte ka talaga kasi naman parang ang dali lang para sayo makuha ang gusto mo.

at higit sa lahat, salamat sa pagmamahal mo sa pamilya natin. di man natin nakasanayan na maging vocal pagdating sa pagsabing mahal natin ang ating pamilya, alam at nararamdaman naman natin yan.

at sa kaarawan mong ito, nawa’y pagpalain kapa sana ng Maykapal sa iyong mga gingawa at balak pang gawin sa buhay mo. keep in mind lang na dito lang kami nakasuporta sa iyo. patay ang manloko sa yo, dito kami dalawang kuya mong nakabantay sa likod mo. wapak!

eto pala siya.

happy birthday jap!

Advertisements

Responses

  1. pa base muna…

  2. hayzt…kakaiyak naman…haaaaaa….pag family tlg…kaka tats…

  3. base nga!

    salamat sa pagbisita freeshoes.
    sinulat ko nlng dito kasi alam ko d rin nyang mababasa to.
    hehehe

  4. eizt! pa link din! hehehe…slamat din sa pagdaan po…sa uulitin…il make it short..promiz! hahaha

    • na link na po kita.
      sa uulitin din 🙂

  5. wow.swerte nyo naman for having her as your sister but she is equally lucky to have you as her big bro..

    • oo nga.
      salamat po 🙂

  6. ay salamat sa pag gawa skin ng post na to.ha ha ha…ay im not ur sister pala.lols…

    hoy updated na na guro ang links..tan awa bala,wala ka guro galantaw!ara ka sa blog superstars..tan awa ang stats mo..halin sakon ang link nga gakadto simo.chos!ahahhaa…
    happi bday sa sister!

    PS: Ur like your sister too, full of blessings..kaya naaambunan mo ako pag minsan.ha ha ha

    • waah! salamat tito.
      aba superstars? grabe ah.

      hulat kay ubrahan ta man ka post.
      hmmm,,anu ayhan topic?
      ahaha..

  7. hmmm…la lng padaan ulet…hehehe….

  8. ay ang ganda naman ni jap! parang artista lang din! blessed nga! ^^n pinagpala! HAPPY BIRTHDAY!!

    • ahehe..
      oo nga..
      nasa lahi eh..
      kapal..
      lolz


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: